Samantala, sa loob ng isang eksklusibong bar na puno ng ilaw, alak, at malalakas na tawanan, nasa VIP corner siya kasama si Jacob, pero halatang wala roon ang isip niya.May isang bote ng whiskey sa mesa, ilang baso, at mga babaeng paulit-ulit na sumusulyap sa kanya mula sa kabilang table.“Bro,” sabi ni Jacob habang isinasalin ang alak sa baso niya, “gusto mo bang makalimot? Marami akong ipapakilalang special friends sa ’yo.”Hindi man lang siya tumingin.“Bro, tigilan mo ako. Gusto ko lang uminom.”Napahalakhak si Jacob. “Kailan pa tumanggi sa babae si Brent Esguerra?”Doon lang siya bahagyang napatingin.At sa isang kisapmata, alam na ng kaibigan niyang tama ang hinala nito.“Just today,” dagdag ni Jacob, sabay sandal sa upuan. “So, mukhang tama nga ako. May tama ka na kay Candice pero hindi mo maamin.”Agad siyang inabutan nito ng alak.Tinanggap ni Brent ang baso, tinungga ang laman, saka marahang ibinaba.“Bro,” malamig niyang sabi, “wala lang ako sa mood.”“Hindi ka lang wala sa
Read more