Bahagyang kumunot ang noo ni Candice. Sandali siyang humiwalay sa yakap ng asawa, ngunit naroon pa rin ang init ng braso nito sa baywang niya na para bang ayaw siyang lubusang pakawalan.“Come in,” sabi ni Candice.Pagbukas ng pinto, sumilip si Hailey sa loob. May hawak itong cellphone.“Miss Candice, sorry po. May ibabalita lang sana ako bago po ako umuwi dahil tapos na po ang trabaho ko.”Lumapit siya. “Ano ’yon?”Iniabot ng assistant ang cellphone sa kanya. Sa screen, may litrato.Dalawang taong magkasama sa isang bar.Si Zion.At si Cassandra.Magkalapit. Hindi naman sobrang dikit, pero sapat para maging kahina-hinala, lalo na para sa dalawang taong sa pagkakaalam niya ay halos hindi naman nagpapansinan.“Kailan pa sila naging close?” kunot-noong tanong niya.“’Yon nga po,” mabilis na sagot ni Hailey. “Di ba ni hindi naman nag-uusap ang dalawang ’yan? Hindi po kaya may relasyon sila?” Bahagyang ibinaba nito ang boses, pero halatang hindi mapigilang magdagdag. “Pero ang alam ko sa ’
Read more