“Bro, I’m not in love with Candice.”“Bro,” sabi ni Jacob, nakasandal sa counter habang pinagmamasdan siya, “aminin mo na. Hindi ka lang galit. Nasaktan ka.”Tahimik si Brent.Pagkatapos ay marahan siyang huminga at tinungga ang laman ng baso.“Bro, okay,” aniya sa wakas, mapait ang boses, “aminin ko na. Nasaktan ako.”“Oh,” sabi nito, “edi para mo na ding inamin na in love ka na kay Candice. Kaya ka lang saktan ng isang tao kung mahal mo siya.”Napailing si Brent at napatawa nang mahina.“Nasaktan ang pride ko.”“Come on, bro.” Umayos ng tayo si Jacob. “Huwag ka na mag-deny. Tayong dalawa lang ‘to.”Napatitig si Brent sa kaibigan.Pride nga lang ba?Kung pride lang, bakit hindi niya mapirmahan ang mga papel?Kung pride lang, bakit sa tuwing namumutla si Candice ay pakiramdam niya ay may kung anong humihila sa sikmura niya?Kung pride lang, bakit kahit pagkatapos niyang sabihing gusto na niyang kumawala sa kasal na iyon, hindi niya magawang iwan ang babae?“Porke ba hindi ko maiwan si
Read more