Nang makabalik sila, parehong halatang pagod. Puro putik ang dalawa. Si Don Fausto ay tawa nang tawa habang nag-uutos sa kusina kung paano lilinisin at lulutuin nang maayos ang nahuli.“Sigurado po bang ligtas ito?” tanong ni Brent sa pangatlong pagkakataon.“Safe ‘yan,” sagot ni Don Fausto. “At hindi kakainin ng asawa mo. Aamuyin lang daw.”“Brent,” tawag ni Candice.“Yes, love?”“Matagal pa ba ‘yan? Excited na ako.”Maya-maya, inilabas na ng kusinera ang plato. Golden brown and crispy. Amoy pritong karne, bawang, at kaunting paminta.Tumahimik ang lahat.Walang gumalaw ng ihain sa mesa.Si Cassandra ang unang nagsalita. “Ako po ay nagdo-donate lang ng dugo, hindi kumakain ng daga.”“Walang pumipilit sa’yo,” sabi ni Zion.Candice leaned forward slightly and inhaled.Biglang kumirot ang puso niya.“Ang bango,” bulong niya.Doon, hindi na siya nasa farm.Nasa alaala siya. Kasama ang kanyang ina.Batang Candice, nakaupo sa kusina habang tumatawa si Aurora sa harap niya, hawak ang maliit
Read More