Parang may sumabog na katahimikan sa garden.Pasugod si Don Carlos, ngunit mabilis na humarang si Cassandra sa pagitan nila.“Daddy, please.”“Cassandra, tumabi ka.”Hindi siya tumabi. Hinawakan niya ang braso ng ama niya. “Daddy, asawa ko na siya.”Asawa.Matagal siyang tinitigan ni Don Carlos. Sa mga mata nito, may galit, may awa, at may takot. Takot na baka mali ang lalaking pinili niya.Biglang hinawakan ni Zion ang pulso niya.Hindi mahigpit. Pero sapat para maramdaman ng lahat na kukunin na siya nito.“Tapos na ang kasal,” sabi ni Zion. “Sumama ka na sa akin, my dear wife.”Napatingin siya sa cake, sa pagkain, sa mga bulaklak. Sa pamilyang hindi pa man lang siya nayayakap pagkatapos ng kasal. Hindi iyon ang pangarap niyang kasal. Pero ang mahalaga, kasal na siya sa lalaking matagal niyang pinangarap.“Zion, kahit picture lang. Isang photo para may remembrance,” singit ni Candice, pilit ang boses. “Please.”Huminto si Zion. Halatang labag sa loob, pero pumayag.Si Cassandra, naka
Magbasa pa