Clifford’s POV.Parang bomba na sumabog sa pandinig ko ang mga salitang binitawan ng doctor matapos nitong gamutin si Miley.Nasa isang pribadong silid na kami at hanggang sa mga oras na ‘to ay wala pa rin siyang malay. Nakaupo ako sa silya sa gilid ng hospital bed niya at hawak-hawak ko ang kamay niya.“Your wife is 5 weeks pregnant, Mr. Alfonso. The bleeding was caused by the loud impact of the car crash but no worries because your baby is safe…” wika ng lalaking doktor na nakausap ko.“Bakit hindi pa rin nagigising ang asawa ko, Doc?” tanong ko habang tumatango. Panaka-naka ay sinusulyapan ko siya.“She suffered from severe dehydration and stress. She needs more rest so you have nothing to worry about…” tumango-tango ako at nagpasalamat na rito.Paalis na ang espesyalista nang bigla ko siyang pigilan. “Ahm, Doc, wait! May… may iba pa akong gustong itanong sa inyo—pero sa labas na lang tayo,” turan ko at pinauna na siya sa labas ng silid.Bumuntong hininga ako at mahigpit na pinisil
Last Updated : 2025-10-26 Read more