Chanda’s POV.“Ma’am Chanda,” natigilan ako sa pagtakbo ng marinig ang pagtawag ni Vin mula sa likuran. Nang lingunin ko siya ay nakita kong akay-akay niya si Gustav na tila wala sa sarili.“Clifford, mauna ka na sa rooftop!” Sigaw ko. Napatigil naman siya at tiningnan kami. Nakita ko ang hesitation sa mukha niya habang nakatingin kay Gustav at akmang babalik siya nang imuwestra ko ang palad ko telling him to stop.“Ako na ang bahala sa kanya. Puntahan mo na si Miley,” nang hindi pa rin siya gumalaw sa kinatatayuan ay sumigaw na ‘ko. “Go, Clifford!”Wala na siyang nagawa kundi iwan kami at nagmamadaling tumakbo pataas samantalang binalikan ko naman ang dalawa na tumigil na sa paglalakad.“What happened?” tanong ko kay Vin habang ang tingin ay na kay Gustav na halos nakapikit na ang mga mata.“Hindi ko rin alam. Basta bigla na lang siyang bumagal sa paglalakad tapos pagtingin ko ganyan na siya,” tugon niya.“Ako na ang bahala rito. Sundan mo si Clifford papunta sa rooftop,” utos ko.“S
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-10-18 อ่านเพิ่มเติม