Clifford’s POV.Gabi na ng makauwi ako sa mansion at pasuray-suray akong naglakad papasok sa loob. Nagtataka pa ako dahil napakaliwanag sa loob at may naririnig akong mga ingay. Sa hinuha ko ay galing ‘yon sa dining hall.Ayaw ko pa sanang umuwi pero pinilit na ako ni Gustav dahil may mga bisita raw. Galing kami sa bar at nagpalipas lang ako ng sama ng loob. Hindi ko na namalayan ang oras kaya ginabi kami.Didiretso na sana ako sa hagdanan nang biglang sumulpot si Chanda mula sa kung saan. “Clifford, thank God you’re here! Hindi mo ba alam na kanina ka pa hinihintay ng asawa mo at ng mga bisita mo? Come on, they are in the dining room,” yaya niya at hinawakan pa ako sa braso.Pasuray-suray akong sumunod at dahil do’n ay napatigil siya. “Bakit ka nag-inom? Ano bang nangyayari sa ‘yo?” palatak niya.“Huwag mo na akong intindihin. Teka, sino bang mga bisita?” tanong ko.“It’s Mr. Geron and his wife. Pwede bang ayusin mo muna ang sarili mo? Huwag mong ipahiya ang sarili mo at si Miley. Hi
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-11-29 อ่านเพิ่มเติม