Clifford’s POV.“Gustav, what happened?” humahangos na tanong ko pagpasok sa resthouse. Nadatnan ko siya na nakabulagta sa malamig na sahig sa sala at may tama ng bala sa kaliwang dibdib. Halos wala na siyang malay at naliligo sa sariling dugo.Nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya sa kalagitnaan ng gabi at hindi ko siya nakausap ng maayos dahil puro putok lang ng baril ang naririnig ko.“Libutin niyo ang buong lugar. Tingnan niyo kung mayroon pang kalaban,” utos ko at tinulungan siyang maihiga sa sofa.Hinawakan ko ang baril na nakasiksik sa tagiliran ko at akmang aalis nang higitin ni Gustav ang laylayan ng jacket na suot ko. Halos hindi na niya maimulat ang mga mata niya at bahagyang bumubuka ang bibig niya tila may nais sabihin.Lumuhod ako at inilapit ang tainga sa kanya.“B-Boss, s-si… si Big B-Boss ang g-gumawa nito…” wika niya sa hirap na tinig.Tumango ako. “I know, Gustav, and I will not let him get away with this,” tugon ko at tumayo na. Lumabas ako ng resthouse at sakto n
Last Updated : 2025-08-23 Read more