Clifford’s POV.Pagpasok ko sa conference room ay agad na sumalubong ang malalakas na tinig. Nagkakagulo ang mga shareholders at board members, sabay-sabay na nagsasalita, halos mabasag ang katahimikan ng silid sa ingay ng kanilang pagtatalo.Lahat sila ay may kani-kanyang ipinaglalaban. Lahat ay may katuwiran.“Mabuti naman at naisipan mo pang pumasok sa kompanya na ito, Clifford,” mapanuyang turan ng isa sa matatandang shareholders, namumula ang mukha sa galit. “Gusto na naming magbitiw ka sa pwesto mo bilang CEO dahil mukhang may mas mahalaga ka pang inaasikaso kaysa sa kompanya,”Sumingit naman ang isa, matinis ang boses na puno ng paninisi. “Kung hindi mo sana inunang kantiin ang sekretarya mo, e, ‘di sana ay maayos mong napapatakbo ang kompanya. Hanggang kailan magtitiis ang kompanyang ito sa ilalim ng iyong pamumuno?”“Everyone, will you please, refrain from throwing shade against the CEO and his wife. Mali na ang mga salitang ibinabato niyo sa kanila. If you have concerns or c
Last Updated : 2025-08-30 Read more