Miley’s POV.Pagkababa ko ng tawag, napakunot ang noo ko. Hindi ko agad namalayan na kanina pa pala ako binabaaan ni Clifford ng telepono. Ang huling tono ng boses niya bago tuluyang maputol ang linya—nagtataka, nagmamadali, at parang may itinatago. Bukod do’n ay hindi rin nakaligtas sa pandinig ko ang paghahabol niya ng hininga.Ibinaba ko ang telepono sa mesa pero hindi mapakali ang kamay ko. May kung anong kaba ang gumapang sa dibdib ko, parang may mali.Humugot ako ng malalim na hininga at pilit kong itinutok ang atensyon ko sa mga papeles na naiwan niya sa opisina. Mga kontrata, reports, at kung anu-ano pang dokumentong nakakalat sa harap ko. I tried to focus, pinakinggan na lang ang scratch ng ballpen sa papel para kahit papaano mawala ‘yung kaba.Pero habang tumatagal, parang lalo lang itong lumalakas. Bawat tik-tak ng wall clock, ramdam ko, parang hinahampas ang tainga ko. “Busy lang siya… may inaasikaso lang siguro,” bulong ko sa sarili ko. Pero kahit anong pagkumbinse ko sa
Last Updated : 2025-08-18 Read more