[RIVER’S POV]Pinanood ko si Lily habang nakapikit ang mga mata niya, ninanamnam ang simoy ng dagat. Kita sa mukha niya ang kapayapaan na matagal ko nang ‘di nakita."Parang ang tagal na simula nung huli kitang nakitang ngumiti ng ganyan," sabi ko sabay ngiti habang nakatingin sa kanya."Hindi naman ako baliw para ngumiti buong araw," biro ni Lily sabay lingon sa akin, may pang-aasar sa mga mata."Alam ko naman. Pero dati, mas madalas kang ngumiti.""Salamat ha, sa pagdala sa akin dito," aniya habang nakangiting totoo."Pwede bang palitan mo na lang yung ‘salamat’ ng ‘oo’ sa pag-ibig ko?""River...""Alam ko. Nagbabakasakali lang," sagot ko sabay ngiti, pero napalingon ako bigla sa dalawang lalaking ilang beses ko nang napapansin. Parang sinusundan kami ni Lily simula kanina, pero mukhang hindi naman sila mapanganib. Tahimik kasi ang lugar na ‘to, at kung may masama silang balak, kanina pa dapat sila kumilos."Gutóm ka na ba? Hanap tayo ng makakainan.""Oo, tara na," tugon ni Lily hab
Baca selengkapnya