“Tita Camila, mauuna na po muna ako,” sabi ni Lily matapos makabalik sa mesa at makaupo ng ilang sandali.“Pa’no yan, mauuna ka na pala. Sige, sabay na rin ako—may maaga akong meeting bukas,” tugon ni Camila habang inaayos ang bag niya.Ngumiti si Lily bago lumingon kina Chris at Stephen. “Mauna na ako, ha. Salamat sa lahat.” Sabay yuko at magalang na nagpaalam sa dalawang lalaki.“Ingat, Lily. Salamat din, ha,” sabi ni Stephen habang bahagyang nakangiti. Tumango rin si Chris bilang tugon.Bahagyang tumango si Lily, saka tinapik si River sa balikat para ipahiwatig na oras na para umalis. Magkasabay silang lumakad palabas ng venue kasama si Camila.“Sa makalawa, ipapasundo kita sa condo mo ha, anak,” ani Tita Camila habang naglalakad palabas.“Naku, Tita, kaya ko naman pong mag-drive mag-isa,” tugon ni Lily, bahagyang nahihiya.“Huwag na, mas kampante ako. Mas mabuti nang may susundo,” madiin pero may lambing na sagot ng matanda.“Opo, bahala na po kayo. Basta ako, go lang,” sagot ni Li
Read more