[LILY’S POV]"Bababa na ako," sabi ko habang idnidikit ang phone sa aking leeg, sabay dampot sa bag at lumabas ng kwarto para salubungin si River na naghihintay sa ibaba ng condo.[Gusto mong kumain ng ano?] tanong ni River sa kabilang linya, halatang magaan ang mood."Japanese food kaya? Cravings ko ‘yan ngayon."[Sige, nandito na ako sa tapat ng condo mo.]"Okay, see you downstairs."Ganito na kami buong linggo. Laging akong sinusundo ni River para lumabas. Minsan dinner lang, minsan movie, minsan road trip na uuwi din sa gabi. At kapag hindi siya available, sina Vanessa o Annie ang sumasama sa akin para hindi ako ma-bored. Sa totoo lang, malaking tulong—wala akong oras para mag-isip ng kung anu-ano, at okay lang ‘yon."Ang tagal mo naman," sabi ko habang papasok sa kotse, nakangiti."Kung mas matagal pa, maghihintay pa rin ako," sabi ni River, sabay titig na parang may gustong sabihin."Pero ayoko naman na pinaghihintay ka.""’Wag na tayong magpaligoy-ligoy. Tara na, gutom na ako,"
Baca selengkapnya