Kate Mabilis akong humakbang patungo sa pinto nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell sa labas ng condo ko. At pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng kaibigan ko na si Cheska. "Hi," bati niya sa akin ng magtama ang mga mata namin na dalawa. Tiningnan ko naman ang wristwatch na suot ko. "Ang tagal mo," wika ko sa kanya. Tumawa naman siya sa akin. "Anong ang tagal? Sakto lang kaya, late lang ako ng limang minuto," wika ko sa kanya. "Five minutes late is still late, Cheska," wika ko naman sa kanya. Mas lalo akong napanguso ng um-abrisyete sa akin. "Huwag ka nang magtampo," wika niya sa akin. "Papagandahin naman kita," dagdag pa niya. Pagkatapos ay inakay na niya ako papasok sa loob ng condo ko. "Halika na, make-up-an at ayusan na kita," mayamaya ay wika niya sa akin ng tuluyan kaming nakapasok sa kwarto ko. "Do'n na lang tayo sa kwarto," sabi ko naman. Humakbang naman na kami patungo sa aking kwarto. Pinaupo naman niya ako sa harap ng aking vanity m
Last Updated : 2025-10-18 Read more