CATALEYA’s point of view Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata, at ang unang bumungad sa aking paningin ay ang puting kisame ng ospital. Malamlam ang liwanag, tahimik.. Ramdam ko ang presensya sa aking tabi, at nang tumingin ako sa gilid, nakita ko si Kuya. Nakayuko siya sa gilid ng kama, hawak ang aking kamay. Hindi niya ito binibitawan, at ramdam ko ang init at katiyakan ng kanyang hawak. Bumaling ako sa kabilang side, at doon nakita ko si Kael, nakaupo sa single sofa, nakapikit at naka-cross arm. Habang nakasandal, Napansin kong iyon pa rin ang suot niya, Hindi pa rin siya umuuwi? Dahan-dahan akong bumangon upang sumandal sa kama, ngunit mabilis na nag-react si Kuya, dahil hawak niya ang kamay ko. Nagising siya at mabilis umayos ng upo.“Rosie, gising ka na! Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong niya, halatang aligaga at puno ng pag-aalala ang boses.“Better… but still weak. I’m okay, Kuya… gumaan-gaan na ang pakiramdam ko,” mahina kong sagot, halos pabulong. Tumango siy
Huling Na-update : 2025-12-31 Magbasa pa