Bumalik ako sa Marketing floor na ramdam pa rin ang init ng yakap at titig ni Kael.Parang may naiwang bakas sa balat ko. Bawat kilos niya kanina sa opisina nakatatak sa isip ko. Dumiretso ako sa desk ko, nakaupo sa upuan niya si Chase na katabi lang ng akin, nang maupo ako bumaling siya sa akin. “Ready for the next set of revisions?” tanong niya, medyo nakangiti, unaware sa bagyong naramdaman ko ilang minuto lang ang nakalipas. “Yes,” sagot ko, pilit ang ngiti. “Let’s go over the social media calendar for next week.” Tumango si Chase, sabay lapit at sabay open ng laptop. Habang nagsisimula kaming magtrabaho, pakiramdam ko ay mas malaki ang focus ko sa mga numero at analytics. Sa bawat click, sa bawat comment na ginagawa ko, pilit kong iniwasan ang alalahanin tungkol kay Kael. I mean ang mga pinag-usapan namin kanina. “Ma’am Cataleya?” tanong ni Chase, mahina at magalang. “Hmm?” sabay tingin sa kanya, pilit kalmado. “About the Thompson rollout… do you want to anchor mo
Huling Na-update : 2026-01-28 Magbasa pa