Cataleya’s Point of ViewKinabukasan Ang ganda ng gising ko. Sobrang gaan ng pakiramdam ko, at maaga rin akong nakatulog kagabi. Alam ko sa sarili ko na ibang level ng excitement ang nararamdaman ko ngayon… hindi lang dahil sa naging usapan namin ni Kael kagabi, kundi dahil may bagong chapter na magsisimula sa buhay ko. Bumangon na ako, nag-ayos ng sarili, at dumiretso sa dining room. Pagpasok ko, masarap na aroma ng fried rice, bacon, hotdog, sausage, pritong itlog, at kape ang agad bumungad sa akin, kasabay ng tunog ng cutlery at banayad na usapan ng aking pamilya. Nandoon na sina Mom, Dad, at si Kuya Caleb. Ngumiti ako sa kanila at lumapit para humalik sa kanilang mga pisngi. “Good morning, Mom,” bati ko. “Good morning, sweety,” malambing na sagot ni Mom. Sunod kong nilapitan si Dad na abala sa pagbabasa ng newspaper. “Good morning, Dad,” sambit ko bago siya halikan sa pisngi. Ngumiti siya at nag-angat ang tingin sa akin. “Good morning, my princess.” Lumipat naman
Huling Na-update : 2026-01-21 Magbasa pa