CASSANDRAMaya-maya ay nakasalubong na namin si Erald na nasa Gala night din. Nakasuot siya ng all white na tuxedo at napaka-gwapo niya talaga sayang nga lang at bakla siya. “Case, dyan ka lang muna ah, may kakausapin lang ako.” saad ni Ninong na binitiwan na ang kamay ko at naglakad palayo. Marahil ay may nakita siyang kakilala niya at kailangan niya talagang kausapin ang taong iyon. “Ay bongga ka dyan Dzai huh, pak na pak! sino stylist mo? may pa-classy effect ka pa huh! talagang pinaghandaan ah!” saad naman ni Erald na pinuri ang suot kong gown. “Syempre.” saad ko at nag flip hair sa kanya. “Halika, ipapakilala kita sa mga business partners ng Ninong Jonas mo.” saad ni Erald na iginiya ako sa kumpulan ng mga tao. “Good evening, this is Mr. Wade Suarez together with his wife Mrs. Rosenda uhm, Mr. and Mrs. Suarez, siya po si Cassandra, secretary at inaanak ni Mr. Jonas Del Riego.” “Nice to meet you, Ms. Cassandra. You look stunning!” saad naman ni Mr. Suarez na kinuha ang kama
Last Updated : 2025-08-04 Read more