Matagal nang nakatulog si Zariah, ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi ko alam kung ilang oras kami nagkwentuhan bago ko namalayan na nakatulog na pala siya. “Sorry, Zariah,” bulong ko sa hangin habang nakatingin sa kanya. Ramdam kong namiss niya ako, at ang dating gawi naming dalawa. Ngunit mas nangingibabaw ang sama ng loob sa puso ko. Habang nagkukuwento siya kanina, ilan lang doon ang pumapasok sa isipan ko. Dahil puno ang isipan ko ng mukha ni Clyde, kung paano niya ako tingnan ng malamig sa harap ng impostor. Para saan ang sinabi niya sa akin na magtiwala ako sa kanya? Gayung hindi niya ako magawang ipaglaban? Masyado ba akong umasa? Heto na naman, namamalisbis na naman ang luha ko sa gilid. Gusto kong makalanghap ng hangin, naninikip na ang dibdib ko.Bumangon ako. Plano kong lumabas at magpapahangin lang muna sa veranda. Gusto kong manood ng mga bituin, tila sa pamamagitan nito, magawa kong aliwin ang sarili.Napadapo ang tingin ko sa nakasarang pintuan ng silid ni
Dernière mise à jour : 2025-08-21 Read More