ChartlotteAlas-tres ng hapon. Bumiyahe na kami pauwi ni Alexaiver. Pagod ako ngunit sobrang saya ko kasi pauwi na kami ni Alexaiver, sa bahay. Namiss ko na sina Amhella at Alzen. Nakasandal ako habang sa unahan lang nakatingin. Si Alexaiver, gano'n din pero paminsan-minsan kinukuha niya ang kamay ko pagkatapos ay dinadala sa labi n'ya para halikan.“Sa penthouse na tayo deresto ha? Miss na miss ko na sina Alzen at Amhella,” sabi ko kay Alexaiver habang ako'y pasulyap sulyap ako sa labas.“Me too. Ang tahimik din pala kapag wala ang dalawang makulit na iyon. Lalo na si Amhella na laging namomoses sa bahay natin,” saad ni Alexaiver sa akin.Napangiti ako. Pakiramdam ko ang tagal naming nawala sa bahay kahit na ilang araw lang iyon. Ngayon nga, parang tumatalon ang puso ko sa sa sobrang excitement. Para bang taon ang binilang kung namiss ko sila.Malapit na kami sa Maynila. Nagbibiruan pa kami ni Alexaiver at nakaharap din ako sa kaniya, nang mag-ring ang phone ko. Excited pa akong kinu
Last Updated : 2025-11-27 Read more