Calex P.O.V. "Happy? May atraso pa kayong dalawa sa’kin," sabi niya sa dalawang kaibigang ngayon ay tatawa-tawa lang sa kanya. "Bro, what happened? Sa pagkakatanda ko, sinabi mo na pahihirapan mo ang future wife mo. O, ayan, may asawa ka na, pero mukhang baligtad yata ang nangyayari. Ikaw itong pinahihirapan ngayon ng asawa mo," nakangising sabi ni Dustin sa kanya. Kumunot ang kanyang noo kay Dustin. Maging si Luke ay nangingiti na lang, pailing-iling, habang umiinom ng wine na nasa table nila. "So, tuluyan ka na ngang pinagbago ng asawa mo? Sa nakikita namin, parang ikaw itong namamanhik-luhod sa asawa mo," muli pang dagdag ni Dustin. Alam niya kung ano ang gustong iparating ng kaibigan. At kahit siya mismo, ayaw niyang aminin sa sarili na patuloy na lumalalim ang nararamdaman niya para kay Felicie. This is the first time na ganito ako sa isang babae. Nagiging tanga ako. Ang nakakatawa pa, sa isang kagaya pa ni Felicie—bukod sa nerd, mala-amazona pa. Para siyang kinarma dahil sa
Last Updated : 2025-08-29 Read more