(Felicie’s P.O.V.) Napasinghap siya nang hapitin ni Calex ang kanyang baywang. Hindi niya inaasahan na aakbayan siya nito lalo pa sa harap ng karamihan ng tao. Muli ay bumilis ang pintig ng kanyang puso. Parang mga nagkakarerang kabayo sa bilis ng pagtibok noon. "’Ano ba, yang kamay mo!" asik niyang reklamo, sabay irap dito. Ngunit hindi siya nito pinansin, bagkus ay naramdaman niyang mas lalo pang humigpit ang pagkakapulupot ng mga braso nito sa kanyang baywang. "Next time, ’wag kang makipag-usap sa mga taong hindi mo kilala," seryoso nitong sabi sa kanya. Napatigil siya sa paglalakad, at maging ito man ay huminto rin. Sinamaan niya ito ng tingin. Pambihira talaga ang isang ’to, kahit pakikipag-usap ko sa ibang tao, isyu pa rin sa kanya. Gusto na tuloy niyang isipin na nagseselos ito. Pero imposible. Sa tipo ni Calex, hindi siya ang taong magseselos ng basta-basta. Lalo pa at wala naman itong nararamdaman para sa kanya. Parang kinurot ang puso niya sa katotohanang iyon. Hanggang
Last Updated : 2025-08-31 Read more