Felicie P.O.V. Papasok pa lamang siya ng gate nang salubungin siya ni Lester. Nakangiti man ito sa kanya, pero bakas sa mukha nito ang tila pagkabalisa. "Magandang gabi po, Ma’am," bati nito sabay lakad at agad nilakihan ang pagbukas ng gate para sa kanya. "Magandang gabi din po, Kuya Lester," nakangiting ganting-bati niya at nagpatuloy sa pagpasok ng bahay. Ngunit napatigil siya nang makita ang sasakyan ni Calex na nasa garahe. Abay, himala. Maaga yatang nakauwi ang mokong, piping sabi niya sa sarili. Nilinaw niya ang tingin at muling nilingon si Lester na nagsasara na ng gate. "Kuya Lester, kanina pa po ba dumating si Calex?" tanong niya sabay turo sa kotse ng asawa. Pansamantalang tumigil si Lester at nagkamot-kamot ng ulo bago siya tiningnan. "Ah, opo Ma’am eh. Nagalit nga po sa akin si Sir." Nangunot ang kanyang noo sa narinig. "Ha? Eh bakit po?" takang tanong niya kay Lester. Sa ilang buwan niyang kasama si Calex sa iisang bubong, kahit kailan ay hindi niya
Last Updated : 2025-09-06 Read more