"What do you think, why am I here?" Malamlam ang mata ngunit nakataas ang kilay at balik-tanong nito sa kanya. Napairap siya rito. Siya na nga ang nagtatanong pero ibinalik lang nito ang tanong sa kanya. "E, bakit ka nga ba naririto? Para kang kabute na bigla-bigla na lang sumusulpot kung saan, at bigla na lang din mawawala," inis niyang sabi dito na may halong pagtatampo. Gusto niya itong sapakin dahil natiis nitong dalawang linggo na hindi man lang magparamdam sa kanya. Mas lalo lang naging malamlam ang tingin sa kanya ng asawa, na para bang ikatutunaw na ng puso niya ang ginagawa nitong pagtitig sa kanya. "I am here to pick up my wife," ani nito, habang nanatiling nakatitig sa mukha niya. "Bakit ikaw? Nasaan si Mang Jun?" tanong niya rito. Biglang nangulimlim ang mga mata nito na kanina lang ay kaylamlam kung tumingin. "Seriously, Felicie? Ako yung nandito pero si Mang Jun ang hinahanap mo? Bakit, si Mang Jun na ba ngayon ang asawa mo kaya siya na ang hinahanap mo?" a
Last Updated : 2025-09-07 Read more