Habang papunta sa kanyang area ay nakasalubong niya si Ezzekiel. Malapad itong ngumiti sa kanya nang makita siya. Gumanti siya ng ngiti sa lalaki. Ngayon lang niya ulit ito nakita sa Megaplex. “Hi, Felicie. How are you? Nalaman ko kay Hubert ang nangyari sayo,” bungad na bati nito, sabay tingin sa katawan niya na tila ba sinusuri kung may tinamo ba siyang sugat. Tipid siyang ngumiti kay Ezzekiel. “Maayos naman kami. May tinamo lang akong mga galos at pasa sa katawan.” “Mabuti naman kung iyon lang ang tinamo niyo. Next time, mag-double ingat ka pa. Alam mo naman, kahit ayaw nating mangyari ang isang aksidente, nangyayari pa rin,” sabi nito na nakangiti. “Salamat,” tipid niyang sagot kay Ezzekiel, nakangiti rin. “Ang aga mo yata pumasyal. Kung si Sir Hubert ang pakay mo, naku, mamaya pa iyon,” ani niya. Alam niya kasi kung anong oras dumarating si Hubert dahil nakikita niya iyon sa araw-araw na pagpasok nito. “Ikaw talaga ang ipinunta ko rito. I just want to know if you’re o
Last Updated : 2025-09-10 Read more