"Wag! Parang awa mo na, Ezzekiel! Maawa ka naman sa akin!" sigaw niya habang umiiyak. Sobra na siyang natatakot dahil sa ginagawa sa kanya ngayon ni Ezzekiel. Mariin siyang hinawakan nito sa baba at matalim siyang tiningnan ng lalaki. "’Yan ang gusto ko, ang magmakaawa ka. Pero mas gusto kong marinig na magmakaawa sa akin ay ang asawa mo. Kaya halika!" ani nito at inalis ang kanyang tali, saka siya kinaladkad papunta sa isang kwarto. Pabalang siyang binitawan ng lalaki. Napalunok siya nang makita niyang ni-lock nito ang pinto. Kinuha ni Ezzekiel ang sariling cellphone, ini-on iyon sa video recording, at inilagay sa isang stand phone. Nang masigurado nitong hindi siya makakatakas, muli siyang binalingan ng lalaki. Hindi na niya ito makilala. Hindi na niya makita ang Ezzekiel na kilala niya noon—tila isa itong demonyong galit na galit ngayon. Napaatras siya nang akmang hahablutin siya ng lalaki. "Pakawalan mo na ako, Ezekiel. K-kung ano man ang nagawa sa’yo ni Calex, a-ako na ang hum
最終更新日 : 2025-09-22 続きを読む