Samantha's Point of ViewKahit anong pilit sa akin ni Walter kanina, hindi ako pumayag na magpahatid dito sa amin. May mga dala rin kasi siyang pasalubong at gusto ko ring makausap ang pamilya ko nang kami lang. Ganoon pa man, may tinawagan siya at iyon ang sinakyan ko pauwi.Sa palagay ko, isa ito sa mga sasakyan niya. Parang nakita ko na kasi itong gamit niya noon.“Tulungan ko na po kayo, Ma'am,” saad ng driver sa akin.“Okay lang po, Kuya. Tatawagin ko lang po ang kapatid ko,” giit ko naman at ngumiti sa driver. Hindi rin biro ang layo ng airport papunta rito sa amin kung kaya ay alam kong pagod ang driver na ito. Ilang oras ang inabot ng biyahe namin at napakadilim na ngayon. Sakto lang din para iwas sa mga maiinit na mata ng mga tsismosa.Napailing naman ang driver. “Ang bilin po ni Sir Walter ay tulungan ko kayo. Kaya sige na po.”Tumango na lang ako dahil ayaw ko nang makipagtalo. Para na ring makapagpahinga na ako sa kuwarto namin mayamaya. Kailangan ko kasing pumasok bukas a
Terakhir Diperbarui : 2025-09-14 Baca selengkapnya