Samantha's Point of View Nakaupo ako ngayon sa swivel chair ni Walter, samantalang siya naman ay nasa aking likuran, ang katawan ay bahagyang nakayuko—mga isang dangkal ang layo ng pisngi namin. May ipinasang file si Conrad sa laptop niya kanina at hinayaan niya lang ito. Nang hanapin na niya ang file, hindi niya mahanap ang file kahit na alam niya kung ano ang file name no'n. Dahil may pagkamainipin ito, ako ang inutusan nitong maghanap. Pero ang weird lang na ako na nga ang inutusan nito, pero nanatili naman siya sa aking likod. Sa tuwing nakikita ko siya, naalala ko ang panty kong naiwan sa sasakyan niya. Hindi ko na matandaan kung ano ang design no'n, pero sana naman ang medyo may makatarungang panty 'yon. Hindi rin naman nito m-in-ention ang tungkol doon. May mga naiisip akong posibilidad. Una, hindi pa siya naglilinis ng kotse. Pangalawa, nakita na niya iyon at itinapon. Pangatlo, nakita niya iyon pero itinago lang. Pero ano naman ang gagawin niya sa panty ko? “Wala rin dito,
Last Updated : 2025-08-18 Read more