Xavier Iglesias"Sa tingin niyo ho ba…babalik pa ang babaeng 'yon? Sa tingin niyo ba, makakabalik pa siya ng buhay?" tanong ni Dante na bahagya kong ikinatigil. "Mukha siyang matapang at palaban. Pero pagdating sa mga Callisto, ang mga taong tulad niya ay hindi nila hinahayaang makalaya pa. Gusto nila sila lang ang nakaaangat.""Tama si Dante," dagdag naman ni Andrew. "At kung sakali mang bumalik siya, sigurado ho ba kayo sa desisyon niyo na gagawin niyo siyang isa sa mga tauhan niyo? Hindi naman ho sa kinukwestiyon namin kayo, kaya lang…parang ang hirap pagkatiwalaan ng batang 'yon."Hindi kaagad ako nakaimik sa pahayag nilang iyon. Tinapunan ko lamang sila ng tingin at hindi kalaunan ay muli kong ipinagpatuloy ang pagpapalit ng damit."Of course, she'll come back…alive. Nasisigurado ko 'yon. Kayo na rin ang nagsabi, matapang siya at palaban. Napatunayan ko na rin 'yon kani-kanina lang." Matapos kong ayusin a
Read More