Xavier Iglesias"What's up? Bakit parang ang laki-laki ng problema mo?" tanong sa akin ni Mom nang pumasok sa living room mula sa kusina. "Anong meron? Nakaharap mo na naman ba 'yong Ruan na 'yon? Is he bothering you again? O sadyang wala ka na naman sa mood?"Umayos ako ng pagkakaupo mula sa couch. Humugot ako ng isang malalim na buntung-hininga bago sumagot."It's nothing. Iniisip ko lang ang meeting ko sa mga Victorino bukas. Hindi madaling mauto ang mga 'yon at baka abutin pa ng ilang linggo o buwan bago ko sila mapapayag sa offer natin sa kanila," pahayag ko na agad niyang ikinatango."Right," aniya at umiling. "Nabanggit din sa akin ng dad mo ang tungkol sa kanila. Actually, nakausap niya sila noong nakaraang araw. And you know what they've talked about?"Hindi ako sumagot bagkus ay hinintay ko lamang ang sasabihin niya.Pero bago pa man siya makapagsalita ay sumabat si Dad na tila ba kabuteng lumitaw mula sa likuran namin."The couple wants you to meet their daughter," saad niy
Last Updated : 2025-09-21 Read more