Xavier Iglesias"Where are you staying these past few days?" maya-maya'y basag ng katahimikan ni Mom. "Kung hindi ka ite-text o tatawagan ay hindi mo man lang magawang sabihin sa 'min kung saan ka namamalagi. Ikaw na nga lang ang nag-iisang anak namin, ganyan ka pa kung umasta."Natigil ako sa ginagawa ko sa sinabing iyon ni Mom. Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko kasunod niyon ay ang pagsandal ko sa swivel chair ko. Kung tutuusin ay hindi pa naman umaabot ng dalawang linggo ang hindi ko pag-uwi ng bahay, sadyang umandar na naman ang kadramahan niya. Gustuhin ko man kasing umuwi sa amin ay hindi ko magawang iwan si Naya. "Again, sorry," tugon ko na ikinatitig niya sa akin. "Hindi ko rin naman gusto ang hindi umuwi ng bahay. Of course, mas komportable roon kaysa sa hotel na tinutuluyan ko. But don't worry, susubukan kong umuwi mamayang gabi."Sinamaan niya ako ng tingin. "Siguraduhin mo lang, Xavier Iglesias. Palagi ka nalang nagsasabi ng ganyan, isa o dalawang beses
Last Updated : 2025-09-03 Read more