Xavier Iglesias'I don't think you're thinking straight''Nababaliw ka na ba?''Anong pinagsasasabi mo?'Nawawala ka na ba sa katinuan?'Iyan lang naman ang mga katagang inaasahan kong maririnig ko mula kay Naya. Kung tutuusin ay hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa kokote ko at nagawa kong sabihin iyon. Hindi ko tiyak kung bakit sinabi ko ang bagay na iyon gayong alam ko sa sarili ko na labis pa sa labis ang galit ko tungo kay Ruan. Instead of saying those things, I should've thought of something else. But no, nagawa ko pang pumayag sa kagustuhan ng pamilya ni Naya. "Anong..." aniya at muling naupo sa tabi ko. "Anong sinasabi mo? Pumapayag kang makasal ako sa lalaking 'yon? Hindi ba't siya pa nga ang dahilan kung bakit galit na galit ka kagabi?"Umiling ako kasunod niyon ay ang pagpisil ko sa nosebridge ko. Maya-maya ay nag-angat ako ng tingin ko kay Naya na sa mga sandaling iyon ay nakaguhit ang hindi mapintang reaksiyon sa kanyang mukha. "Yes," tugon ko sabay tayo ko sa kin
Last Updated : 2025-10-04 Read more