Ella’s POV Hingal na hingal ako nang makauwi sa bahay ni Ate Kira. Pakiramdam ko, mabibiyak ang dibdib ko sa kaba. Pagbukas ko ng pinto, nanlaki ang mga mata ko nang makita si Rowan sa loob, kasama sina Kuya Anthony at ilang pulis. Nang makita nila ako, agad na tumayo si Rowan at mabilis na lumapit. Mahigpit niya akong niyakap na para bang natatakot siyang mawala ako ulit. "Saan ka nagpunta?!" halos pasigaw niyang tanong pagkakalas niya sa yakap. Kita ko sa mukha niya ang halo-halong galit, takot, at lungkot. "Bakit hindi ka sumipot sa kasal natin, Ella? Do you have any idea kung anong nangyari sa akin kanina? I was worried sick!" Hindi ko siya matingnan nang diretso. Gusto kong umiyak, pero pinipigilan ko. "Ako na lang ang sasagot," sabat ni Ate Kira, pero pinutol siya agad ni Rowan. "No, Ate Kira. I want to hear it from her. Ella, please, sagutin mo ako. Anong nangyari? I know nasaktan ka sa mga sinabi ng magulang ko. They insulted you, they judged you, but you should’ve talked
Last Updated : 2025-09-16 Read more