Kira's POV Hindi mapakali ang mga kamay ko habang nakatitig ako sa TV. Nanginginig ang tuhod ko. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin na nakikita si Anthony doon sa entablado, pinagbabatuhan ng mga tao na parang wala siyang ginawang tama. Press conference ng Salvatore Holdings ngayon, at ako—nandito lang sa sala, hawak ang remote, habang pinipilit kong hindi maiyak. “Anthony…” bulong ko. Kanina pa niya ako pinapakiusapan na huwag akong sumama. “Stay here, Kira. I don’t want you in the middle of this mess,” iyon ang huling sinabi niya bago siya umalis. Ayaw kong sumunod pero wala akong nagawa. Napatakip ako ng bibig nang makita kong binato siya ng ketchup. Sunod ay itlog. Hindi pa nakuntento ang ilan, may nagtapon pa ng pera, tila panunuya sa perang nawawala. “Please, tama na…” mahina kong usal kahit alam kong hindi nila maririnig. Kita ko sa TV kung paanong hindi siya matinag. Nakatayo pa rin siya roon, hawak ang mikropono, pilit pinapakalma ang lahat. “Ladies and gentlemen, p
Terakhir Diperbarui : 2025-09-10 Baca selengkapnya