Neil's POV Kinagabihan, nag-dinner kami kasama ang mga pamilya namin. At gaya ng inaasahan, bumungad na naman ang parehong usapan. “So, Neil,” bungad ng dad ni Cassandra. “Have you given any thought sa partnership natin? A marriage alliance will strengthen both families.” Naramdaman ko ang tingin ng mom ko sa akin, halatang hinihintay din ang sagot ko. “Sir,” maayos kong sagot kahit inis na inis ako, “with all due respect, wala sa plano ko ang pakasalan si Cassandra. Hindi ko siya mahal. Hindi ko rin siya gusto.” Sumabat si Cassandra, pilit nakangiti. “Dad, maybe Neil just needs time. We’ve been spending time together, right?” Tumawa ako nang mapait. “Spending time? You mean you forcing yourself into my schedule? Cassandra, let’s stop pretending. Hindi ito mutual.” Nagkaroon ng katahimikan sa mesa. Kita kong namumula si Cassandra sa kahihiyan. “Neil,” seryoso ang boses ni Mom. “Be polite.” “I am being polite,” sagot ko agad. “Mas magiging bastos ako kung papayag ako sa bagay
Last Updated : 2025-09-22 Read more