Kira’s POV Pagdating namin sa presinto, ramdam ko agad ang tensyon. Nasa loob na sina Bianca at Tita Carmen, parehong naka-upo sa magkahiwalay na bangko. Magkaharap sila pero halatang puno ng galit ang mga mata. Si Anthony, mahigpit ang hawak sa kamay ko. “Stay with me, Kira,” bulong niya. Tumango lang ako. Maya-maya, biglang nag-umpisa ang pagtatalo ng dalawa. “Ano ba, Tita?!” sigaw ni Bianca, halos pasabog ang boses. “Kung hindi ka lang naging gahaman sa pera, hindi sana tayo nandito ngayon! Ikaw ang may kasalanan ng lahat!” Napalingon ang mga pulis. May ilan pang tumigil sa ginagawa nila para pakinggan ang komosyon. “Bianca, watch your mouth,” malamig na sagot ni Tita Carmen, pero bakas ang inis sa mukha. “Don’t act like a saint. Kung hindi ka rin pumayag sa mga plano ko, wala tayo rito. Wala akong tinutukan ng baril para sumang-ayon ka.” “Hindi mo nga ako tinutukan,” balik ni Bianca, nanginginig ang boses, “pero ikaw ang nag-udyok sa akin! Ikaw ang nagbigay ng ideya na huwag
Last Updated : 2025-09-13 Read more