Kira’s POV Kinabukasan, gulat na gulat ako nang pinatawag ako ni Anthony sa opisina niya. Agad akong nagtungo sa floor kung saan naroon ang office ng mga executive. Pagdating ko sa harap ng pinto ng opisina niya, agad akong napansin ni Niña, ang secretary niya. “Ma’am Kira, pinaghihintay po kayo ni Sir sa loob,” magalang niyang sabi habang tumayo at binuksan ang pinto. “Salamat,” tipid kong tugon bago tuluyang pumasok. Pagkapasok ko, bumungad agad sa akin ang tanawing nakatalikod si Anthony habang tila may binabasa sa laptop sa desk niya. Tahimik lang siya. Pero ramdam kong hindi maayos ang mood niya. Parang lumamig ang paligid. “Sir, good morning po,” bati ko, pormal ang tono. Bahagya akong yumuko bilang respeto. Dahan-dahang lumingon si Anthony. Nakakunot ang noo, at halatang hindi siya natutuwa. “Sir?” ulit niya, medyo matigas ang tono. “Asawa mo ako tapos ‘Sir’ pa rin ang itatawag mo?” Napatigil ako. Dahan-dahang umangat ang tingin ko sa kaniya. Diretso ang titig niya sa a
Terakhir Diperbarui : 2025-08-02 Baca selengkapnya