Kira’s POV Nang makabalik ako sa workstation ko mula sa opisina ni Anthony, pakiramdam ko parang may naiwan akong bomba sa buong floor. Lahat ng mata nasa akin. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako artista. Hindi rin ako sikat. Pero ngayon, parang ako ang bida sa isang tsismis na hindi ko naman hiningi. Wala na si Ashley sa pwesto niya. Bigla rin siyang nawala sa group chat. Tahimik ang buong department, pero ramdam ko ang usok ng intriga. Ilang beses akong napatingin sa paligid, pero tuwing magtatama ang mata namin ng kahit sinong officemate, bigla silang iiwas. 'Yung iba, magpapa-busy sa screen nila. 'Yung iba, nagkukunwaring may kausap sa telepono. Tahimik akong bumalik sa trabaho. Wala akong ibang magawa. Kailangan kong tapusin ang final rendering ng project bago ako lumabas for a site visit. ‘Di ako pwedeng ma-late sa client. Pagkalipas ng halos isang oras, narinig ko ang elevator. Sa peripheral vision ko, alam kong si Anthony ‘yun. Tumayo siya nang may kompiyansa, parang wa
Dernière mise à jour : 2025-08-07 Read More