"Puntahan ko lang muna si Mama, magpapaalam ako," sabi kong saglit na iniwan si Atty. Rama.Nasa kusina si Mama, naghahanda ng tanghalian kasama si Jenny. Narinig kong pinag-uusapan nila sina Arkham at Rex. Mukhang may kaniya-kaniyang manok ang dalawa."Dapat si Atty po kasi ang mga police likas na babaero, baka masaktan lang ulit si Zai-zai," argumento ni Jenny."Tingin mo ba ang abogado ay hindi nambababae? Likas silang sinungaling at magaling magpalusot." Depensa naman ni Mama."Paano iyon? Police si Captain tapos magiging lawyer pa, doble na ang sumpa."Gusto ko nang matawa. "Papasok na po ako, Ma." Lumapit ako at hinagkan sa pisngi si Mama.Bahagya pa siyang nagulat. Si Jenny naman ay namula ang mga pisngi."Ingat ka, sino'ng maghahatid sa iyo?" tanong ni Mama."Sasabay po ako kay Atty. Rama." Sinulyapan ko ang kasambahay na bumungisngis at nagliwanag ang mukha, wari nanalo sa pustahan.Tumitig sa akin si Mama. Akala ko may ikokomento pero tumango naman at bahagyang ngumiti. Inii
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-08-10 อ่านเพิ่มเติม