"Ms. Barroga, ito na po lahat ng form." Ibinigay ni Joy sa akin ang nilikom niyang forms ng mga kasamahang priso. "Salamat, Joy. Kunin n'yo na ang mga pasalubong ko," sabi kong itinuro sa mga mata ang malaking paper bags na nakaparada sa gilid ng briefing room.Natapos din sa wakas ang orientation kahit nahahati ang isip ko dahil sa bisitang naghihintay sa bahay. Napangiti ako nang makitang tuwang-tuwa ang mga babaeng priso sa pasalubong ko sa kanila. Bukod sa pastries ay mayroon ding packs of personal items. Laman ng bags ang sanitary pads, bathsoap, shampoo, deodorant, sabong panlaba, alcohol, toothpaste, toothbrush, gatas at juice, biscuits. Matagal din nilang mauubos ang mga iyon. "Maraming salamat po, Ms. Barroga!" "Walang anuman! Pag-aralan n'yo ang modules na binigay ko, para sa unang session natin ay masubukan na agad natin gumawa ng chocolate cake," sabi ko'ng nakangiti.Positibo naman ang response na natanggap ko. Ang kagandahan dito sa BJMP ay mayroon silang sariling pas
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-08-17 อ่านเพิ่มเติม