Sam’s povHindi ko alam kung ilang minuto na akong nakaupo roon sa deck, nakatingin lang sa madilim na dagat. Yung tunog ng alon ay parang nakakatulong para kumalma ako, pero sa loob-loob ko, andun pa rin yung bigat. Kahit anong ganda ng paligid, hindi basta-basta nawawala ang mga sugat.Si Leonard, nakatayo lang sa gilid, hawak ang isang bote ng tubig, parang may iniisip. Ilang sandali pa, lumapit siya sa akin at ngumiti nang bahagya.“Sam,” tawag niya, mababa ang boses. “Tumayo ka nga diyan.”Napatingin ako sa kanya, kunot ang noo. “Bakit? Masarap na ang pagkakaupo ko dito sa upuan.”“Come on,” sabi niya, may halong utos pero may lambing. “Trust me. Tumayo ka.”Napilitan akong bumangon. “Okay… so ano na?”Humakbang siya palapit sa gilid ng yate at tumingin sa malawak na dagat. “Kapag masama ang loob ko, I shout. As in, sumisigaw ako nang malakas. Hindi para marinig ng ibang tao, pero para mailabas lahat ng bigat dito.” Tinuro niya yung dibdib niya. “Subukan mo.”Napailing ako, nataw
Last Updated : 2025-08-11 Read more