Sam's povMakalipas ang Tatlong Buwan…Makalipas ang tatlong buwan, tatlong buwang puno ng paghilom, pag-asa, at tahimik na pangakong tinupad ng panahon, narito ako ngayon, nakatayo sa dulo ng aisle.Huminga ako nang malalim, pero nanginginig pa rin ang dibdib ko. The doors slowly opened, and the soft music filled the church. Lahat ng mata ay nasa akin, pero parang iisa lang ang malinaw sa paningin ko, si Leonard.Katabi ko si Papa.. Mahigpit ang kapit niya sa braso ko, parang ayaw niya akong pakawalan, parang gusto niyang sabihin na “Anak, andito lang ako.”“Okay ka lang ba?” bulong niya sa akin, may halong kaba at lambing.Tumango ako, kahit ramdam kong tumutulo na ang luha ko. “Pa… I’m happy,” mahina kong sabi. “I’m really, really happy.”Ngumiti siya. Kita ko ang pamumuo ng luha sa mata niya. “Alam ko,” sagot niya. “Nakikita ko sa’yo. This time… iba na. Magsasama kayo ng tuluyan at walang makakahadlang.”Habang naglalakad kami sa aisle, umiiyak ako. Hindi dahil sa lungkot kundi da
Última actualización : 2026-02-05 Leer más