Pagkatapos ng lahat ng nalaman ko mula kay Sam, hindi na mapakali ang isip ko. Galit na galit ako sa ginawa ni Mama sa kanya, pero higit pa roon, ramdam ko ang bigat ng pagkakasala ko. Kanina lang ay nakipagkita ako kay Catherine, at kahit wala akong ginawang masama, hindi ko magawang sabihin kay Sam. The guilt is eating me alive. Pakiramdam ko ay nagkasala ako sa asawa ko. Nagsisimula pa lamang kami pero tila ba ang dami ko ng itinatago.Habang yakap ko siya sa sofa, ramdam ko ang lamig ng kanyang balat, ang panginginig ng katawan niya. Pinisil ko ang kamay niya, pilit na ipinaparamdam na ligtas siya sa tabi ko.“Leonard, hayaan na lang natin ang Mama mo,” mahina niyang sambit, nakatingin sa akin na may takot. “Huwag na natin palakihin ang gulo. Ayokong mag-away kayo dahil sa akin.”Umiling ako, dahan-dahang inilapit ang noo ko sa kanya. “Sam, listen to me. Kung mahal nila ako, dapat tanggapin nila ang taong mahalaga sa akin. And that’s you. Because you’re my wife.”She bit her lip,
Last Updated : 2025-09-01 Read more