Share

CHAPTER 24: GETTING TO KNOW YOU

Author: DIVINE
last update Last Updated: 2025-08-11 11:42:27

Sam's pov

“Kung ganon, ” nilabas ko ang malalim na hininga, “Dapat mas marami pa akong malaman tungkol sa’yo. Hindi pwedeng puro surface level lang.”

Napataas ang kilay ni Leonard dahil sa sinabi ko, parang naaliw ito na ewan.

“Oh? Interview na ba ‘to? May mga tanong ka bang ihahanda at isusulat sa clipboard?”

Napangiti ako kahit gusto ko sanang magpaka-seryoso. “Baka nga. Para makasigurong alam ko kung sino yung makakasama ko sa isang bubong, hindi ba?” Tanong ko pa.

“Hmm.” Nilingon niya ako, medyo nakataas ang labi sa ngisi. “Sige. Pero fair game dapat, kapag nagtanong ka, may kapalit na tanong para sa’yo,” ani Leonard.

“Deal.” Umayos ako ng upo. “First question: ano ang pinaka-ayaw mo sa tao?”

“Madali lang.” Walang kahirap-hirap ang sagot ng lalaki sa akin. “Ayoko ng plastic. Yung tipong tatawa sa harap mo, tapos saksaksakin ka sa likod pag talikod mo.”

Napatawa ako ng mahina.

“Relatable.”

“Now my turn,” singit niya agad.

“Ano ang pinakapaborito mong gawin kapag stress ka?”

Napa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 42: JUST US, FOR THE DAY

    Sam's povMaaga akong nagising ngayon, mas maaga kaysa sa nakasanayan ko total wala namang pasok kinabukasan.. Tahimik pa ang buong bahay dahil tulog pa naman si Leonard. Solo ko ng mga oras na iyon ang bahay.. Sa totoo lang, palagi na lang siyang nauuna sa akin magising. Siya ang laging nagluluto ng almusal, naghahanda ng kape, halos lahat ng bagay siya ang gumagawa. Lahat nalang ng gagawin ko ay ginagawa nito.“Hindi pwedeng siya na lang lagi,” mahina kong bulong habang nagsusuot ng apron.Binuksan ko ang ilaw sa kusina. Kinuha ko ang karne ng liempo na pinahanda ko kahapon at inilabas ang mga gulay at pampalasa. Sinigang na liempo ang naisip kong lutuin pero bago ako nagluto ng ulam ay gumawa muna ako ng almusal namin. Bacon and egg ang napili kong lutuin. Kapag may pasok kaming dalawa ay nagkakape na lamang si Leonard at hindi na kumakain.Napangiti ako. Sana ay magugustuhan niya rin ang inihanda kong sinigang.Habang hinihiwa ko ang labanos at kangkong ay napapangiti ako. Hindi

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 41: CECILIA’S BETRAYAL

    Edmund’s povNASA veranda ako ng bahay at nagpapahangin. Maraming gumugulo sa isip ko..Hawak ang baso ng alak ay nakatingin ako sa kawalan. Tahimik ang paligid, tanging malamig na hangin at ingay ng kuliglig ang tanging maririnig mo ng mga oras na iyon.. Hindi ko mapigilan ang hindi maalala ang nakaraan. Bigla kong narinig sa isip ko ang boses ni Cecilia, ang dati kong asawa na ina ni Sam.“Hayop ka! Niloko mo ako! Ibinigay ko sa’yo ang lahat pagkatapos iniputan mo ako sa ulo? Sigaw ko, puno ng galit, halos sumabog ang dibdib ko sa sakit.Naaalala ko pa ang itsura niya. Si Cecilia, nakatayo sa gitna ng sala, umiiyak, namumutla, habang yakap-yakap si Sam na noon ay apat taong gulang pa lamang. Ang mga luha niya ay bumabagsak sa buhok ng bata, pero wala akong nakitang awa sa puso ko noon kundi galit dahi sa panloloko nito sa akin.“Minahal kita, Cecilia!” halos pasigaw kong wika, nanginginig ang mga kamao ko. “Inalay ko sa’yo ang lahat, pero ano ang ginawa mo? Pinagmukha mo akong tanga,

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 40: A FATHER'S FEAR

    Edmund’s povMAAGA pa lang ay sumasakit na ang ulo ko sa pag-uusap namin.“Bakit pakiramdam ko, Pa, ay ayaw mo akong maging masaya?” tanong ni Nina sa akin, puno ng hinanakit at galit.Napatingin ako kay Nina…Kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata, halatang pinipigil ang luha na pumatak.“Hindi yan totoo, Nina,” mariin kong sagot.. “Anak kita kaya nagmamalasakit ako sa’yo. Ayokong masaktan ka sa huli dahil kapag nasaktan ka ay masasaktan din ako.”Pero hindi pa man ako natatapos, bigla nang sumabat si Sonya. Tulad ng inaasahan ko ay ginatungan pa nito si Nina.“Tama ang anak mo, Edmund. Hindi mo iniisip ang nararamdaman ng anak mo. Bakit ba palaging si Sam na lamang ang mahalaga sayo?”Napatingin ako kay Sonya, hindi makapaniwala sa mga narinig ko. Napakunot ang noo ko at uminit bigla ang dugo ko.“What?” mariin kong sabi, halos napalakas ang boses. “Ano pa ba ang gusto ninyo? Wala na dito si Sam, itinakwil ko na siya! Paano niyo nasabi na mahalaga pa rin siya sa akin?”“Pa, every t

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 39: A LOVE WORTH THE RISK

    Nina’s povPagkagising ko ay hindi ko mapigilang ang hindi maging masaya. Wala akong dapat na ikabahala dahil tuloy ang kasal ko kay Darren. Wala akong dapat na ikabahal. Paglabas ko ng kwarto, bumaba na ako para kumain, at nadatnan ko si Papa sa hapag kainan. Mag-isa siyang kumakain, tahimik, habang may hawak na tablet sa gilid ng plato. Lumapit ako, dala ang ngiti, at umupo sa tapat niya.“Good morning, Pa,” bati ko.Tiningnan niya ako.. “Good morning.”Pinilit kong maging masigla. Kumuha ako ng kanin at ulam, saka nagsimula na ring kumain. Pero bago pa ako makalunok ng pangalawang subo, bigla siyang nagsalita.“Narinig ko ang nangyari kagabi,” seryoso niyang wika ng amang si Edmund.. “Nagwawala ka dahil lang sa lalaki?” tanong pa nitong magkasalubong ang mga kilay.Napatigil ako, hawak ang tinidor. “Pa,” mahina kong sambit.Napailing siya. “Kung ayaw sayo, hiwalayan mo at hindi mo kailangan na ipilit ang sarili mo sa kanya…. Simple lang ‘yon. Why would you destroy yourself over a

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 38: THE THREAT

    Sonya’s povNANG malaman ko na nasa condominium na pag-aari nito si Darren ay pinuntahan niya ito. Sunod-sunod ang naging pagkatok ko sa pinto at sa wakas ay bumukas din ang pinto. Lumapit ako, mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao ko.“Darren,” mariin kong sabi, halos nanginginig ang boses ko. “We need to talk. Now.”Napatingin siya sa akin, halatang iritado. “What now, Tita?”Huminga ako nang malalim at diretsong tumingin sa mga mata niya. “Don’t you dare pretend like nothing happened. Alam ko ang ginawa mo kay Nina. Hindi ko kailangang makita ang mga sugat niya para masabing sinaktan mo siya. You hurt her, Darren inside, emotionally. At mas masakit iyon minsan kaysa physical.”Umiling siya, napataas ang boses. “Pero, Tita Sonya…Hindi ko naman siya sinaktan physically! I never laid a hand on her. How can you accuse me like that?”Tumayo ako ng diretso, pinigilan ko ang sarili ko kahit pa galit na galit ako sa kaharap ko.. “Darren, don’t play smart with me. Hindi lang physical ang

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 37: A MOTHER’S PROMISE

    Nina’s povPAG-UWI ko mula kina Tita Clarita ay hindi ko na napigilang sumabog. Pagkapasok ko ng kwarto, halos lahat ng gamit ko ay nadamay sa galit ko. Hinagis ko ang mga unan, sinipa ang maliit na mesa, at halos mabasag ang lampshade ng mahulog ito sa sahig. Lahat ng mahawakan ko at tinatapon ko. “Why is it always her?!” pasigaw kong sambit, halos mapatid ang hininga ko. “Bakit si Sam na lang palagi? Lahat na lang kinuha niya sa akin!”Napatigil ako saglit, nanginginig ang mga kamay ko habang pinagmamasdan ang kaguluhan sa kwarto. Ang salamin sa dresser ko ay muntik ko ng mabasag kung hindi ko lang naatrasan. Naramdaman kong bumigat ang dibdib ko, para akong sinusunog ng inggit at sakit.“Darren…” bulong ko sa sarili, mapait ang tawa na sumunod. “He’s supposed to be mine, pero kahit sa harap ko, she’s still the one he loves. Sam, you’re so lucky. You get everything while I’m left with nothing.”Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mama, agad na lumapit sa akin. “Nina! What are y

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status