Kasalukuyan kaming nasa loob ng Phoenix Hotel at nakikipag-usap sila sa babaeng nasa information desk dahil nagkaroon ng problema sa pagkuha ng rooms namin."Sorry but we only have one available room today, Sir." Saad ng babae sa information desk at tinipa ang keyboard."But we called for a reservation yesterday for three rooms. Saad pa nga ng nakausap ko ay okay na daw ang rooms namin kagabi," Sabi ng Manager nila Justin sa babaeng nasa information desk at napahilot pa sa sintido niya."Wait, Sir. I will call our Manager." saad ng babae at may tinawagan sa telepono. Maya-maya ay may dumating na isang lalaki at sa palagay ko ay ito na ang manager ng hotel na ito."I'm sorry po talaga. Nagkaroon po kasi ng error sa server namin kahapon. Iyon po ata ang dahilan kaya nagkaganoon." Paghingi ng paumanhin ng Manager ng hotel sa'min."Sana tinawagan mo kami kaagad," sabi naman ng Manager nila Justin."Sorry for the inconvenience, Sir. Maybe we will give you our special offer, na lang po." Sa
Terakhir Diperbarui : 2025-08-08 Baca selengkapnya