Isabella’s PovTahimik ang buong bahay. Walang kahit anong kaluskos, walang boses, walang galaw — ang tanging ingay lang ay galing sa cellphone ko. Paulit-ulit itong nagri-ring mula sa iba’t ibang social media accounts. May tumatawag, may nagte-text, may emails pa galing sa media outlets — lahat tungkol sa isyu ko kay Miguel and Justin.Hindi ko man tingnan, alam ko na. Pinag-uusapan na nila ang buhay ko, ang pagkakamali ko, at pati ang mga taong nadamay.I ignored all of it. Walang kahit anong notification ang mas maingay kaysa sa konsensiya ko. Mas nangingibabaw ang bigat ng nagawa ko. Sa kanila… sa nagsilbi kong pamilya simula nang mawala ang biological parents ko. Sa mga taong tumanggap sa akin ng buo, nagmahal sa akin, at pinaglaban ako.Sorry.Sorry, Tito.Sorry, Tita.Sorry, Aurelia.Sorry sa sarili ko, sa nawalang parte ko dahil sa maling desisyon.Nakahiga ako sa kama ngayon yakap ang isang unan. Nakakainis dahil ayaw kong matigil sa pag-iyak. Masakit pa rin ang pisngi ko… hi
Last Updated : 2025-12-07 Read more