Salamat pala sa pagpapahiram ng jacket. Lalabhan ko na lang ito at pagkatuyo ay ibabalik ko sa'yo." Sabi ko kay Justin pagkalabas ko sa banyo."Kahit huwag na sa'yo na 'yan." Sabi niya at tumayo na. Natawa nga ako sa kanya kanina dahil no'ng bumibili ako ng sanitary napkin ay siya ang namimili para sa'kin. Siya ata ang may menstruation dahil alam na alam niya ang dapat gamitin. Tsk! Dinaig pa ako."Oh! Ito ang plastic lagay mo dyan ang pinagbihisan mo." Sabi niya at inabot sa'kin ang plastik na hawak niya. Matapos niyang iabot iyon ay lumabas na siya samantalang ako naman ay nilagay sa loob ng plastic ang pinagbinisan ko. Naglibot kaming dalawa at dinala niya ako sa mga lugar na alam niya.Shocks! Is this another date na ako lang ang nakakaalam? Watdapak! Kinikilig ako. Wengye! Kiss ko ito in public para issue agad, eh.-Madidilim na ng makauwi kami ni Justin. Naabutan namin si Jayson na problemado ang itsura habang naglalakad nang pabalik-balik sa sala. "Kasama niyo ba sila Ysrael?
"Morning," Bati sa'kin ni Brian habang nakahawak sa tyan niya at hindi maipinta ang mukha."Morning din," Bati ko din at nagtimpla ng gatas."Saan ka pumunta kagabi? Umihi ka lang hindi ka na bumalik." Saad ko at umupo sa tapat niya."Ah? Nakatulog ako sa CR." Sabi niya at napakamot pa.Napatingin naman ako kay Justin na ngayon ay nakahawak din sa tyan niya at ang isang kamay ay hinihilot ang sintido niya."Shit! Ang sakit ng ulo ko." Sabi ni Justin at umupo sa tabi ni Brian."Oh," saad ni Brian at inabot ang kape sa kanya.Napatingin ako sa buhok niya na gulo-gulo at napatawa ng maalala ang mga kalokohan niya kagabi."Thanks." Sabi niya kay Brian na nakapikit ang mata at sinimsim ito."Ang init." Sabi niya pa at nilabas ang dila niya saka ito pinaypayan. Napatingin naman siya sa'kin ng hindi ko napigilan ang pagtawa ko."What?" Takang tanong niya kaya nagkibit balikat nalang ako saka napailing-iling. Patay ito sa kahihiyan kapag naalala niya ang pinaggagagawa niya kagabi."Nothing."
"Ako din pasan mo, Jayosn." Sabi ni Aurelia at naglambing sa kanyang kasintahan."Gusto ko sana kungju kaso may backpain ako." Rinig kong sabi ni Jayson kaya nagtawanan sila."Wangja, ikaw na lang ang papasan ko mamaya. Hihihi..." Sabi ni Aurelia na kinikilig pa.Jusko! Bakit ganyan? Napapaligiran ako ng mga lovebirds."Ito pa ang isang malandi. Masakit sa mata..." Rinig kong sabi ni Brian at hindi ko napigilan ang pagtawa ko."Waah! Joke lang Jayson— Aray! Let me go. Ack!" Reklamo ni Brian ng wrestlingin siya ni Jayson."Ikaw kanina ka pa Brian, ha. Mag-girlfriend ka na nga." Sabi ni Jayson at parang nasuka naman si Brian sa narinig niya."Kawawang, Brian." Naiiling na sabi ko at uminom sa alak na hawak ko."One, two, three! TING! TING!TING! Brian is knockout!" Biglang sabi ni Justin na akala mo ay referee sa boxing.Napatitig ako sa kanya at nakita kong namumula na siya. Lasing na ata siya dahil namumungay na ang kanyang mga mata at parang nakikipag-away sa hangin dahil may sinasapa
"Ahh! Busog na busog ako." Sabi ni Justin at hinimas ang tyan niya."Halata nga dahil bundat ka na." Sabi ko at tumawa ng malakas."Hoy, hindi no.." Sabi niya at tumayo na."Whatever tara na nga." Sabi ko at tinawag ang waitress para magbayad na.Matapos naming kumain ay magkasama na kaming namasyal. Omaygosh! Sabi na, eh.. Date talaga namin ito. Waah! Assumera ka, Isabella!"May pera ka pa ba?" Tanong ni Justin sakin kaya napatingin ako sa kanya."Meron pa. Bakit?" Takhang tanong ko sa kanya."Gusto ko no'n..." Napatingin naman ako sa kamay naming dalawa dahil hinawakan niya ito.Enebe! Justin. Huwag kang ganyan marupok ako."N-Nang ano?" Nauutal kong sabi ngunit pinanatili kong normal ang boses ko."Cotton candy ibili mo ko no'n." Sabi niya at nakita ko ang malawak niyang ngiti. Kulang na nga lang ay mapunit ang gwapo niyang mukha."Ano ka bata?" Natatawang sabi ko sa kanya."Bakit bata lang ba ang pwede kumain no'n?" Tanong niya at ngumuso. Putakte! Ang sarap kurutin ng pisnge niya
Pumasok kami sa loob isang bahay at masasabi ko na kahit makaluma na ang mga gamit ay napaka-elegante nito tignan. Maganda ang istruktura nito at para bang nasa panahon ka ng mga espanyol. Kasama ata sa history ang bahay nila na ito."Yow! Yow! Yow! The most handsome is here." Sabi ni Brian pagkalapit namin at nagpose pa."Aba! Iba din." Sabi ni Claire na ikinatawa lang ni Brian at napailing na lang ako."Hello po!" Sabi naman ni Justin at sumaludo pa. Kanina lang ang sungit-sungit."Halina kayo sa labas dali." Sigaw ng isang babae na sa tingin ko ay nasa mid-thirties na"Halina kayo..." Tawag muli nito samin"Mga bisita ba kayo ni Claire?" Tanong ng babae na sapalagay ko'y kamag-anak ni Claire dahil kahawig niya ito."Opo," sabay-sabay naming saad."Ako nga pala ang Tita Ely nila at ito namang katabi ko ay si Clarisse. Kapatid siya ni Kieseyah..." Nakangiting saad ni Tita Ely."Hi," sabi niya samin at binati din naman namin siya pabalik."Finally, we meet in person na..." Saad ko at
"Magandang araw sa programang kay saya!" Masiglang bati ni Justin at Jessa sa harap ng camera."Bagay na bagay talaga sila. " Sabi ng isa sa staff na nanonood sa kanila.Gusto ko man magprotesta ay wala akong magagawa dahil personal assistant lang naman ako at isang fan. Sa lahat talaga ng pinapartner sa kanya kay Jessa ako nagseselos. Ano ba namang laban ko dyan? Si Jessa ay maganda, sikat at balingkinitan. Madaming fans at mahal ng lahat samantalang ako ay isang ordinaryong tao lamang kapag dinikit ako sa kanya ay hindi mo na ako mapapansin pa. "Tama bagay na bagay nga sila." Sang-ayon naman ng Manager ni Jessa.Bago pa ako magwala sa lugar na iyon ay umalis na ako. Tinext ko na lang si Justin na kapag tapos na siya ay itext niya na lang ako. Bahala siya kung magagalit siya dahil ayokong saktan ang sarili ko na makita silang nagtatawanan samantalang ako selos na selos na.Naglibot na lang ako dito sa loob ng building busy naman silang lahat kaya hindi nila ako mapapansin. Nakisabay