PAREHONG itinulos sa kinatatayuan sa bungad ng pinto sina Hector at Emie na halos hindi rin kumukurap na nakatitig sa apat na taong nasa loob ng silid."Nandito na sila," wika ni Lorenzo."Bakit hindi kayo pumasok?" puna ni Anita."Anak, bakit nakatayo ka lang diyan?" sita naman ni Lita."Halika rito," wika ni Pilo."Ma, Pa, ano pong ginagawa niyo rito?" pagtataka ni Emie habang palipat-lipat ang tingin niya sa ama at ina maging sa mga magulang ng nobyo."Sinabi mong nasa ospital ang papa ni Hector, 'di ba? Dapat lang na bisitahin namin sila.""Pero -""Magmano ka sa kanila," utos ni Pilo. "Tinuruan ka namin na gumalang sa mga matatanda kaya bakit nakatayo ka pa riyan?""H-Ho?"Pasimpleng hinila ni Hector si Emie papasok at saka isinara ang pinto. Pareho silang nagmano sa mga matatanda."Magpakilala ka sa kanila," wika ni Lita. "Ito ang unang araw na nakaharap mo sila, 'di ba?"Nahihiyang tumango muna ang dalaga bago bahagyang yumukod. "Ako nga po pala si Emerald. Pero Emie po ang taw
Huling Na-update : 2025-11-02 Magbasa pa