ANESSANaipikit ko ang mga mata ko nang sumara ang pinto. Alam kong sign iyon na aalis siya. Oo, gusto kong umalis siya, pero gusto ko rin na umuwi siya at sa bahay niya matulog.Pero may tumawag. Alam kong hindi simpleng tawag iyon. Kumabog ang dibdib ko. Gusto kong lumabas, gusto kong pigilan siya, sabihing huwag umalis. Pero dahil sa pride, dahil ayokong isipin niya na mahal ko pa rin siya, hindi ako kumilos. Hinayaan ko siyang umalis.Halos hindi ako makahinga nang makita ko siyang pumasok sa bahay niya at nang lumabas, hindi agad pumasok sa kotse. Tumingin pa siya sa bahay na parang nagpapaalam.Pag-alis niya, saka lang ako lumabas ng kwarto. Para akong baliw na nagpalakad-lakad sa sala habang hawak ang phone ko.Tinitigan ko ang numero niya, pero wala akong lakas ng loob na pindutin.Hanggang sa makatanggap ako ng tawag. Mula kay Marco. Nasa presinto raw si Bart.Para akong kinapos sa hininga. Agad akong lumabas ng bahay.Isinama ko ang isang bodyguard. Kaya lang, yung kaba ko ka
Terakhir Diperbarui : 2025-11-07 Baca selengkapnya